TAMANG K.A.I.N. (KID AND INFANT NUTRITION), ANO, BAKIT, PAANO?

Malusog at malakas na pangangatawan. ‘Yan ang hiling ng bawat magulang para sa kanilang mga anak. Pero paano nga ba ito sisimulan? Tamang KAIN. (Kid and Infant Nutrition) ang sagot diyan. LIMANG dapat tandaan sa pagsunod sa Tamang Kain base sa aking karanasan: 1. Magbasa, mag-aral, at magsaliksik. Hindi ko matututunan ang tungkol sa Tamang Kain kung hindi ako naglaan ng panahon at pinag-aralan ang tamang pagpapakain kay baby kapag nasa edad anim na buwan na siya. Marami akong sinalihang Facebook groups, gaya na lamang ng Breastfeeding Pinays na nag-po-promote ng Tamang Kain. Malaking tulong ito dahil lumawak ang aking kaalaman at nabuksan ang aking isipan pagdating sa tamang pagpapakain kay baby. 2. Maging open-minded. Madaming prinsipyo ang Tamang Kain na taliwas sa nakasanayan natin. Gaya ng mga sumusunod: Bawal ang asin, asukal, at kahit ano pang pampalasa sa batang isang taon pababa. At kung kayang wala talaga kahit lagpas dalawang taon, bakit hindi? Mahigit ...