KAMUSTA KA, NANAY?

Dear Nanay, May nakapagtanong ba sa'yo ngayong araw kung kamusta ka? Maaaring meron, pero agad na kasunod nun ay "kamusta na ang anak mo?" Sa mga ordinaryong araw, may nagtanong ba kung kumain ka na? Maaaring meron, pero bago ka pa man makasagot, ang kasunod agad ay, "ang mga bata, kumain na ba?" Sa mga panahong may sakit ka, may nakaalala ba? Maaaring meron, pero kasunod nun ay ang mga katagang "mabuti na lang din at ikaw, kesa anak mo ang nagkasakit." Ganiyan talaga kapag Nanay ka. Uunahin din nilang isipin ang kapakanan ng anak mo bago pa ikaw. Ikaw na akala ng lahat ay palaging malakas. Ikaw na akala ng lahat ay kinakaya at kakayanin ang kahit anong hirap. Ikaw na akala ng lahat ay okay lang. Ikaw na nakalimutan na ang IKAW. Nanay, alam kong napapagod ka din at nahihirapan. Hindi ikaw si Superwoman. Wala kang superpowers. Hindi ka din Fairy God Mother at wala kang magic wand. Walang dudang kakayanin mo ang lahat para sa iyo...