ON POSTPARTUM DEPRESSION


 POSTPARTUM DEPRESSION.

Paano nga ba ito labanan?
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Hindi ko rin sigurado kung pinagdaanan ko ba siya o pag dadaanan sa susunod.
Pero, isa lang ang sigurado ko. Iba iba tayo ng pagkatao. Iba iba tayo ng pagtanggap sa mga responsibilidad na dala ng pagiging Nanay, lalo na kung first time.
Maaaring ang masaya sa akin ay malungkot para sa'yo.
Maaaring ang madali sa akin ay mahirap para sa'yo.
Maaring ang WALA LANG para sa akin, ay BIG Deal pala sa'yo.
Kaya kung sakaling malaman mong may Nanay na depressed, o sobrang stressed, huwag mong isipin na nagiinarte lang siya.
Kung sakaling malaman mong nahihirapan siya sa mga bagay na napagdaanan mo na din, huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kaniya. Kinaya mo man, pero hindi ibig sabihin nun na kaya din ng lahat ng Nanay sa mundo.
Hindi porke't masaya ka sa pagiging Nanay,
Hindi porke't kinakaya mo ang lahat,
Ay may karapatan ka nang husgahan ang iba.
Ang kailangan nating mga Nanay ay suportahan ang isa't isa.
At sa iyo, Nanay na nakakaranas nito..
Paano nga ba labanan ang PPD?
Ikaw lang, Nanay, ang makakaalam. Maraming tao ang magsasasabi sa'yo ng mga dapat mong gawin. Dapat ganito. Dapat ganiyan. Pero, ang totoo, walang ibang makakatulong sa inyo kundi sarili mo. Wala ka ding ibang kalaban kundi sarili mo.
Ang magagawa lang namin para sa iyo ay pakinggan ka, ipagdasal ka at sabihin sayo na...
"Nanay, laban lang!" 💪💪💪

Comments

Popular posts from this blog

TAMANG K.A.I.N. (KID AND INFANT NUTRITION), ANO, BAKIT, PAANO?

MY CHILD, MY RULES

AN OPEN LETTER TO NANAY